October 17, 2008

It's Joke Time!

A Chemistry teacher asked a sexy student, "What are NITRATES?
The student replied shyly, "Ma'am, sa motel po. NITRATES are higher
than day rates!"

Usapan ng dalawang mayabang...
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

WHO'S GUILTY?
Wife dreaming in the middle of the night suddenly shouts, "Quick, my
husband is back!"
Man gets up, jumps out the window and realizes, "Damn! I am the
husband!"

Josh: Kumusta ang assignment?
Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.
Josh: Naku, ako rin! Paano 'yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!

Dok: May taning na ang buhay mo.
Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru'n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay! >

Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.
Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang sabihin
kung may basketbol sa langit.
Naunang namatay si Dado.
Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Dado.
"Ikaw ba 'yan, Dado?" usisa ni Rodel.
Oo naman!" tugon ni Dado.
"Parang hindi totoo!" bulalas ni Rodel. "O, ano, meron bang basketbol sa
langit?"
Sagot ni Dado, "May maganda at masama akong balita sa 'yo. Ang maganda,
may basketbol doon. Ang masama... kasali ka sa makakalaban namin bukas!"
(ngek!)

Usapan ng dalawang bata....
Junjun: Magaling ang tatay ko! Alam mo, 'yang Pacific Ocean , siya ang
humukay nun!
Pedrito: Wala 'yan sa tatay ko! Alam mo 'yung Dead Sea ?
Junjun: Oo...
Pedrito: Siya ang pumatay nun!


Misis: Hindi ko na kaya 'to! Araw-araw nalang tayong nag-aaway Mabuti
pa, umalis na ako sa bahay na 'to!
Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa siguro,
sumama na ako sa 'yo!

Misis: Delayed ako nang one month pero huwag mo munang ipagsabi.
Nahihiya ko...
Mister: Okey.
Kinabukasan, dumating ang taga-Meralco. ..
Taga-Meralco: Misis, delayed po kayo ng one month.
Misis: Ha? Bakit mo alam?
Taga-Meralco: Nasa record po.
Mister: Bakit Naka-record diyan na delayed ang misis ko?
Taga-Meralco: Kung gusto ninyong mawala sa record, magbayad kayo!
Mister: Eh kung ayokong magbayad?
Taga-Meralco: Puputulan kayo!
Mister: Eh anong gagamitin ni misis?
Tag-Meralco: Pwede naman siyang gumamit ng kandila .


Advantage at disadvantage ng may-asawa...
ADVANTAGE: 'Pag kailangan mo, nandiyan agad.
DISADVANTAGE: 'Pag ayaw mo na, andiyan pa rin!


Sa isang classroom...
Titser: Class, what is ETHICS?
Pilo: Etiks are smaller than ducks.
Titser: Okey, that duck will lay an egg in your card.

Juan: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay kaming kumain. Ngayong
mahirap na kami, nakakutsara na.
Pedro: Baligtad yata?
Juan: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!

Anak: Itay, nagpapatanong si ma'am kung ano raw ang propesyon mo.
Itay: Sabihin mo, cardiologist.
Anak: Ano po ba ang cardiologist, Itay?
Itay: 'Yung tagaayos ng radio sa car!


Rodrigo: Bakit bad trip ka?
Harry: Nagtampo sa 'kin ang utol ko.
Rodrigo: Bakit naman?
Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.
Rodrigo: 'Yun lang? Anong masama ru'n?
Harry: Ang masama ru'n... twins kami! Twins!

Yun lang. Have a Nice Day Folks!